Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
SAN FERNANDO CITY, La Union – Tinatayang aabot sa P100,000 halaga ng pera at iba’t ibang klase ng alahas ang tinangay ng hindi nakilalang suspek na nanloob sa dalawang grocery store sa Aringay Public Market sa bayan ng Aringay, La Union.
Ang mga tindahan ay pag-aari nina Artemio Galera Jr. at Juliet Tono, kapwa naninirahan sa nasabing bayan.
Base sa pagsisiyasat ng Aringay Municipal Police Station, umaabot umano sa P10,000 na coins na nakalagay sa dalawang maliit na kahon na inipon ni Galera ang nawawala.
Nasa P60,000 na kinita sa pagtitinda at P30,000 halaga ng jewelry ang natangay naman ng mga kawatan mula sa tindahan ni Tono.
Sinira ng mga magnanakaw ang bubungan ng tindahan na nagsilbing lagusan upang matangay ang mga mahahalagang bagay.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang alamin ang pagkakakilanlan ng suspek.