Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Labis ang panlulumo ngayon ng may-ari ng isang cellphone repair shop sa syudad ng Legazpi sa bahagi ng Brgy. Orosite matapos na pasukin ang kanilang establisyemento ng hindi nakilalang mga suspek.
Kinilala ang mga biktima na sina Nancy Esquivel y Bermas at Marlon Luz y Toledo, may-ari ng repair shop.
Lumalabas na pasado alas-7:00 na nang umaga nang mapansin ng mga ito na nawawala na ang mga cellphone na pinapaayos sa kanila.
Sa tala ng mga ito aabot ng mahigit sa P100,000 ang halaga ng mga item na nawala.
Sa kabila nito, problemado na sina Esquivel kung paano nila maabonohan ang mga gamit na nawala sa kanilang mga customer.
Sa ngayon patuloy naman ang ginigawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.