Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 28 January 2013
Source: Bombo radyo, january 27, 2013
Naaresto ang isa sa mga suspek na nanloob sa opisina ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa Makati City.
Nabatid na pinasok ng mga magnanakaw ang opisina ng MMDA chairman na ipinapalagay na dalawang araw nang nasa loob at posibleng nagtago sa takip ng ni-renovate na air-conditioning unit ng tanggapan.
Hindi pa mabatid kung may mga nakuhang bagay ang mga magnanakaw sa opisina ni Tolentino.
Sa ngayon, patungo na sa lugar si Tolentino na kabilang sa mga sumalubong kay Pangulong Noynoy Aquino sa pagdating nito mula sa Switzerland.
More News: