Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 30 April 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Patay ang isang 42-anyos na pedicab driver nang pagbabarilin matapos umanong hindi i-remit ang P600 halaga ng shabu sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Namatay habang ginagamot sa Tondo General Hospital ang biktimang si Ricado Dayrit Jr., ng M. Ocampo St., Bo. Obrero, Tondo, sanhi ng tama ng bala sa katawan.
Hinahanting naman ng mga awtoridad ang suspect na may mga alyas Hadjie at Toteng na tumakas matapos ang pamamaril.
Dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa may riles ng PNR sa panulukan ng Pilar at Hermosa Sts., Tondo.
Sa impormasyon ng pulisya, nangako umano ang biktima na babayaran ang P600 halaga ng shabu na kanyang kinuha sa mga suspect subalit nang singilin na ay wala umano itong maibayad kaya bala na lamang ang iginanti ng mga suspect.