Onsehan sa droga, kelot inutas

Injured Killed
0 1

Date: 04 August 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa dro­ga ang dahilan kung ba­kit binaril at pinatay ang isang lalaki ng isang binata na naganap sa isang abandonadong lugar sa Makati City kahapon ng mada­ling-araw.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Os­pital ng Makati ang bik­timang si Garry Pia­lago, 27, ng Rosal St., Brgy. Pembo ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo buhat sa isang kalibre .45 baril.

Samantala, hinahan­ting naman ng pulisya ang suspect na si Raniel  Escobeta, 25, ng Blk. 43, Lot 7, Yellow Bell St., Brgy. Pembo.

Ayon sa imbestigas­yon, naganap ang insi­dente dakong alas-4:00 ng madaling-araw sa isang abandonadong kuwarto na ginagawang pot-session ng mga addict­  sa Blk. 71, Lot 20, Milflores St., Brgy. Rizal, Makati.

Naglalaro ang suspect at biktima ng dice, kasama ang ilang kalalakihan nang nagalit ang suspect at sinuntok ang biktima.

Hindi nakapalag ang biktima dahil may dalang baril ang suspect kung kaya’t dumanas muna ito ng gulpi.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nagmakaawa pa ang biktima na huwag siyang patayin subalit makaraan ang ilang segundo ay na­karinig ng putok ng baril ang ilang saksi. Sinabi ng suspect na huwag silang­ maingay dahil patay na aniya ang biktimang si Pialago.

Matapos ang insi­dente ay mabilis na tumakas ang suspect na si Escobeta at ang biktima naman ay dali-daling isinugod sa naturang ospital­, subalit binawian ito ng buhay habang nila­lapa­tan­ ng lunas.