Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 20 May 2013
Source: Phil Star Pang Masa
MANILA, Philippine s- Hindi na nagising sa kanyang mahimbing na pagkatulog ang 44-anyos na si Cesario Sodario, isang construction worker nang tadtarin ng bala ang ulo nito’t katawan ng hindi pa kilalang suspek kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling-araw ay mahimbing nang natutulog sa isang mahabang monoblock chair ang biktima sa harap ng Piso Net Shop na matatagpuan sa no.96 Bolanos Compound, Barangay Tatalon, Quezon City.
Nabatid na nakipag-inuman ang biktima sa hindi pa kilalang mga barkada at nang malasing ay nakatulog na ito doon sa nasabing silya na kung saan dito siya pinagbabaril.
Nahihirapan ang pulisya na matukoy ang suspek dahil sa walang nakakita sa pangyayari.
Narekober ng pulisya ang pitong basyo ng bala ng 9mm baril.