Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 17 April 2013
Source: Phil Star Pang Masa
MANILA, Philippines – Isang obrero ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kaalitang kapitbahay, sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Carlos Llamera, 29, ng Area-C, Gate 4, Parola, Binondo, Maynila.
Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek na si Sonny Jade Cajes, 26, ng nasabing lugar.
Pinipigil naman sa MPD-Homicide Section ang kapatid ng suspek na si Ian, sa hinalang sangkot ito sa nasabing krimen.
Sa ulat ni SPO1 Ramir Dimagiba ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.
Sa naging pahayag ni Ian, may matagal nang alitan ang biktima at kaniyang kapatid kaugnay sa pananakot at panunutok umano ng sumpak ng biktima sa suspek.
Nang magkrus muli ang landas ay muling nag-away hanggang sa magsuntukan subalit naawat din. Binalikan ng suspek ang biktima na sa pagkakataong iyon ay may dala itong kutsilyo kaya mabilis umanong inundayan ng sunud-sunod na saksak.