Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 25 April 2013
Source: Bombo Radyo
Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ng mga sundalong Army kaninang umaga sa bahagi ng Sitio Apogon, Nabunturan, Compostella Valley. Ayon kay Compostella Valley Police provincial director S/Supt. Camilo Cascolan, nagsasagawa umano ng combat patrols ang tropa ng mga sundalo sa pamumuno ni 1Lt Gammad nang makasagupa nito ang rebeldeng grupo. Umabot sa isang oras ang labanan na nagresulta sa pagkamatay ng isang sundalo habang anim na mga high powered firearms ang narekober kasama ang isang M14 rifle. Giit pa ni Cascolan, nagpapatuloy ang pagtugis ng PNP at AFP sa mga rebelde sa lugar. Samantala, ayon kay Cascolan walang naiulat na casualties sa hanay ng otoridad.