Injured | Killed |
---|---|
2 | 1 |
Date: 31 July 2013
Source: Bombo Radyo
TACLOBAN CITY – Patay ang isang pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa nangyaring engkuwentro laban sa tropa ng 34th Infantry (Reliable) Battalion sa Northern Samar.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Tacloban mula kay Capt. Amado Gutierrez, tagapagsalita ng 8th Infantry Division (ID), nakatanggap umano ng impormasyon ang 34IB ukol sa panghihingi ng NPA ng pagkain at pera sa mga residente ng Barangay Rombang, Laoang, sa nasabing probinsya.
Kaagad namang nagtungo ang mga kasundalohan sa naturang lugar upang kumpirmahin ang presensya ng mga rebelde at para siguruhing ligtas ang komunidad na nagresulta naman ng engkuwentro sa gitna ng dalawang grupo na nagtagal hanggang 45 minuto.
Samantala, dalawang sundalo ang naiulat na nasugatan sa kampo ng gobyerno na kinilalang sina Private first Class Ambel G. Cabanjen at Corporal Allan H. Virtudazo na stable na ngayon ang kalagayan matapos mabigyan ng first aid treatment ng isang soldier medic.
Narekober naman ng mga militar ang iba’t-ibang klase ng baril, improvised explosive device at ilang mga kagamitan sa pinangyarihan ng insidente.