Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 09 February 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Nagtagal ng 10 minuto ang engkwentro na naganap sa pagitan nasa siyam na mga sundalo ng 2nd Infantry Batallion ng Philippine Army kontra sa mahigit 10 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bahagi ng Sitio Gocon, Brgy. Tupaz , lungsod ng Ligao, Albay. Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Andrew Costelo, ang commanding officer ng nasabing grupo habang sila umano ay nagsagawa ng combat patrol kahapon ng tanghali sa nasabing lugar. Wala namang naiulat na nasugatan sa hanay ng mga militar ngunit pinaniniwalaan na may mga nasugatan sa hanay ng mga rebelde dahil na rin sa mga bakas ng dugo na nakita sa direksyon patungong Brgy. Balanag at Brgy. Tiongson, kung saan tumakas ang mga rebelde. Agad naman na iniutos ni Brig. Gen. Ricardo Bisaya ng 901st Brigade ng Philippine Army ang pagsagawa ng hot pursuit operations kontra sa mga nakasagupang rebelde. Samantala, na-recover rin sa nangyaring engkwentro ang isang landmine na mula naman sa grupo ng NPA.