Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 24 January 2013
Source: Bombo radyo ; jan 24, 2013
ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang isang lalaki na itinuturing na ‘number 1 drug pusher’ sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte matapos makipagbarilan sa mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-9) at PNP provincial Intelligence Office sa may Barangay Kauswagan, Dapitan City.
Kinilala ng otoridad ang suspek na si Roel Acaylar Icao na residente ng nasabing lugar.
Batay sa report ng pulisya, naglunsad ng buy-bust operation ang mga miyembro ng PDEA at ang PNP sa kanyang mismong bahay subalit nang madiskubre nito ang presensya ng mga otoridad ay kaagad itong nakatakbo at pumasok naman sa bahay ng isang Col. Benjamin Cardino na isang retiradong sundalo.
Ilang minuto ring nagsagawa ng negosasyon ang mga otoridad para sa mapayapang pagsuko ng suspek subalit pinaputukan nito ang dala niyang caliber .45 pistol kaya binaril na rin siya ng mga pulis.
Dito na rin narekober sa sugatang suspek ang mga dahon ng tuyong marijuana, ilang pakete ng hinihinalang shabu at ang isang caliber .45 pistol.
Kaagad namang dinala sa Zamboanga Del Norte Provincial Hospital ang sugatang suspek at pagkatapos ay inilipat sa detention cell ng Dapitan City police station.
Inihahanda na rin ng pulisya ang pagsampa ng kaso laban sa nahuling drug pusher.