NIA employee patay, 2 sugatan sa pamamaril sa b-day party sa Isabela

Injured Killed
2 1

Date: 27 February 2013
Source: Bombo radyo feb 27, 2013

NIA employee patay, 2 sugatan sa pamamaril sa b-day party sa Isabela

ShareThis

CAUAYAN CITY, Isabela – Sumisigaw ng hustisya ang mga kaanak ng isa sa napatay at dalawang nasugatan sa pamamaril sa isang birthday party kagabi sa Barangay Old Centro Proper, San Mateo, Isabela.

Ang namatay ay kinilalang si Frederick Dupra, may asawa, kawani ng National Irrigation Administration (NIA) habang ang mga nasugatan ay sina Jay-ar Ramoran at Claudens Cristobal, kapwa residente ng Barangay Old, Centro Proper

Ang suspek ay natukoy na si Miguel Ramoran, kabarangay ng mga biktima.

Sa imbestigasyon ng PNP San Mateo, nagkaroon ng inuman sa birthday party sa bahay ni Generoso Trinidad sa nabanggit na barangay nang magkaroon ng alitan sina Dupra at Ramoran.

Nag-ugat umano ang alitan nila sa ibinentang baril ni Dupra kay Ramoran na hindi pa ganap na nababayaran.

Umuwi ng kanilang bahay si Miguel Ramoran at kinuha ang naturang baril na isang 9mm pistol hanggang sa pinaputukan ng ilang beses si Dupra na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Nadamay din ang dalawa pang biktima na nagtamo ng daplis ng bala na sina Jay-ar Ramoran at Claudens Cristobal.

Agad na tumakas at tinutugis na ng mga pulis ang suspek na si Ramoran.

– See more at: http://bomboradyo.com/news/regional-news/908-more-news/155187-nia-employee-patay-2-sugatan-sa-pamamaril-sa-b-day-party-sa-isabela#sthash.RqUushoK.dpuf