Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 08 February 2013
Source: Remate.ph by Rene ManahanFeb 8, 2013 1:04pm
NAGAWANG makatakas ng isang nene sa lalaking naka-motorsiklo na kumidnap sa kanya sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.
Sa ulat, dakong ala-una ng madaling araw, nag-text ang suspek sa biktimang edad 12 ng 7th Avenue ng lungsod at nagpanggap na tatay ng biktima.
Inutusan ng suspek ang biktima na lumalabas ng bahay at dahil sa pag-aakalang tatay niya ang nag-text ay lumabas naman ang nene.
Biglang dinakma ng suspek ang biktima bago binusalan at iginapos ang mga kamay at isinakay sa motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.
Kumontak ang suspek sa mga magulang ng biktima at humingi ng P500,000 subalit nagawang makatakas ng nene at maka-uwi sa kanilang bahay.
Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek.