Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 04 February 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Patong patong na kaso ang kakaharapin ngayon ng apat na suspek sa pagdukot at pagpatay sa negosyante at dating board member sa Albay.
Una rito, dalawang linggo na ang nakakaraan nang dukutin si former Board Member Jose “Bebot” Saribong ng ikatlong distrito ng bayan Libon.
Kapalit ng kanyang kalayaan ang halagang aabot sa mahigit kumulang P40 milyon bilang ransom.
Subalit, kanina lamang nang kumpirmahin ni Albay Gov. Joey Salceda ang pagkamatay ng dating opisyal.
Sa impormasyon na ipinaabot sa Bombo Radyo Legazpi, napag-alaman na matapos na makapagbigay umano ng hinihinging ransom ang pamilya nito sa mga kidnappers, agad ding pinatay ang biktima.
Na-recover ang katawan ni Saribong sa isang bakanteng lote sa Metro Manila makaraang paslangin ng mga suspek na personal mismong kakilala ng pamilya.
Si Saribong ay dinukot habang papauwi na ang biktima mula sa Metro Manila kasama ang kanyang driver nang tambangan ito ng mga suspek sa bahagi ng Bataan.
Nakatakas naman ang driver nito na sugatan na nagtungo sa himpilan ng pulisya.
Sinasabing hawak na ngayon ng Deparment of Justice (DoJ) ang mga suspek na nahaharap sa kasong kidnnaping with murder at paglabag sa election gun ban.
Samantala, agad namang nagsagawa ng press conference kanina ang pamilya Saribog kaugnay ng naturang insidente.