Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang isang negosyante makaraang pukpukin ng baril ng apat na holdaper sa loob mismo ng kanyang tindahan habang natangay din ng mga suspek ang mahigit kumulang P100,000 halaga ng pera.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Sibugay municipal police station na pasado ala-1:00 ng hapon habang inaasikaso ng negosyanteng si Rosie Fe Queral, 50, ang kanyang tindahan nang bigla na lamang pumasok ang apat na suspek at nagpanggap na customer.
Isa umano sa mga suspek ang lumapit sa biktima at tinutukan ng baril saka nagdeklara ng holdap.
Habang ang iba ay kinuha ang nasabing malaking halaga ng pera na nakalagay sa drawer.
Pagkatapos tangayin ang pera ay pinukpok pa umano ng baril ng suspek ang biktima na nagresulta sa pagkasugat nito sa kanyang mukha saka tumakas sakay ng dalawang XRM motorsiklo.
Kumukuha pa rin ng impormasyon ang kapulisan para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga holdaper. (MRDS)