Negosyante sa GenSan hinoldap; P200.000 natangay

Injured Killed
0 0

Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo

GENERAL SANTOS CITY – Mayroong lead na ang pulisya kung sino ang mga suspek sa pag-hold up ng isang negosyante sa lungsod na si Roland Purificacion Arcilla.

Ayon kay P/Insp Reynaldo Rojo ng Lagao PNP, nagpapatuloy ngayon ang kanilang imbestigasyon.

Hindi na rin ito nagbigay ng dagdag na detalye para hindi madiskarel ang kanilang operasyon.

Noong isang linggo lamang, pinasok ang pwesto ni Arcilla sa Lagao ng riding in tandem at tinanggay ang P200,000 na cash.

Si Arcilla ay nagnenegosyo ng buy and sell ng copra sa lungsod.