Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 30 January 2013
Source: Bombo Radyo
KORONADAL CITY – Natagpuang patay ang isang negosyante sa taniman ng kamatis sa Barangay Miasong, Tupi, South Cotabato.
Kinilala ang biktima kay Joselito Zulena, 46, binata at residente ng natura ring lugar.
Ayon sa ulat, nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Zulena na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Lumabas sa inbestigasyon na bago pa pinatay ang biktima ay nakatanggap na ito ng mga banta sa kanyang buhay dahil sa alitan sa pagbebenta ng kamatis.
Ipinasailalim na sa autopsy ang bangkay ng biktima.