Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 16 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Dinukot ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang negosyante matapos harangin ang sinasakyang motorsiklo sa Isabela City, Basilan kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Askal Tantung, 26 anyos, residente ng Brgy. Batu, Lamitan City, Basilan, isang manga ngalakal sa lalawigan.
Sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, ang pagdukot sa biktima sa lungsod ng Isabela City ay inireport sa pulisya nitong Biyernes bandang alas-12:30 ng tanghali.
Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay nagtungo sa Isabela City lulan ng motorsiklo upang makipag-transaksyon sa isa nitong ka-deal na hindi tinukoy ang pangalan kamakailan pero nabigo ng makauwi ng kanilang tahanan.
Nitong Biyernes ay nakumpirma ng pamilya ni Tantung na kinidnap ito matapos tumawag ang mga kidnappers at humihingi ng ransom na P200,000.00 kung saan ay dinala na umano sa balwarte ng Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu ang bihag. Nagsasagawa na ng search and rescue operations ang mga awtoridad.