Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 15 April 2013
Source: Phil Star Pang Masa
MANILA, Philippine s- Hindi napakinabangan ng isang lalaki ang konting pera na napanalunan nito sa cara y cruz nang siya ay saksakin at mapatay ng tinalong kalaban sa sugal kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.
Ang nasawi ay kinilalang si alyas na “Mario”, walang permamenteng tirahan, tinatayang na 45-50 ang edad, may taas na 5’5”-5’7’ at katamtaman ang pangangatawan.
Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Joe Grie Dayao, 45, may-asawa, fishball vendor at residente ng no. 2808 Molave St., Tondo, Maynila.
Batay sa ulat, dakong alas -7:00 ng gabi ay magkalaban sa sugal ang biktima at suspek sa harapan ng isang bahay sa no. 2152-A Tomas Mapua St., malapit sa kanto ng Batangas St., Sta. Cruz na kung saan ay natalo ang huli.
Nang umuwi ang biktima sa isang eskinita ay sinundan ito ng suspek at sinaksak sa dibdib.