Nanaksak ng 3 saka ginilitan ang sarili

Injured Killed
3 1

Date: 27 April 2013
Source: http://www.abante.com.ph/issue/apr2713/luzon01.htm#.UXu2q7VvCC0

 

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili at ­paggilit ng sariling leeg ang isang 22-anyos na lalake na umano’y may diperensya sa pag-iisip matapos nitong pagsasaksakin ang tatlong kamag-anak kama­kalawa sa Tobaco City sa lalawigan ng Albay.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na kasalukuyang nagpapagaling sa Cope Memorial Hospital sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang nakilalang sina Herbert Callos, 30, ­Manuel Casio, 43, at asawa nitong si Nelia Casio, 44, pawang mga residente ng P-5 Bgy. Bombon ng nasabing bayan.

Samantala, idineklara namang dead on ­arrival sa Ziga District Hospital sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan at malalim na gilit sa leeg ang suspek na nakilalang si Ronald Marco Callos, 22, binata, at residente rin ng nasabing lugar.

Base sa ulat na nakarating sa Police Regional Office (PRO) 5 sa Camp Simeon Ola, naganap ang insidente mag-a-alas-12:00 ng ­tanghali kamakalawa nang bigla na lang pasukin ng suspek na armado ng patalim ang inu­upahang bahay ng mga biktima at isa-isa itong pinagsasaksak.

Matapos ang gina­wang pananaksak sa mga biktima ay ang sarili naman nito ang pinagbalingan at ilang ulit nitong sinaksak ang sarili at hindi pa nakuntento ay ginilitan pa nito ang sariling leeg.