Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 January 2013
Source: abante tonite online, WEDNESDAY, 30 JANUARY 2013
Ito ang naging kapalaran ng isang 35-taong gulang na lalake matapos bistayin ng bala habang nasa burol ng isang kapitbahay sa Antipolo City kamakalawa ng gabi.
Ayon sa imbestigasyon, naglalaro ng baraha ang biktima na si Jun Puso, sa lamay ng kakilala sa Purok 2 Zone 3 sa Bgy. Cupang nang dumating ang dalawang suspek.
Sinabi ng mga nakasaksi na ilang minuto lamang na nanood ng mga nagsusugal ang dalawang pinaghihinalaan bago bumunot ng kalibre .45 at nirapido ng putok ang lalake.
Matapos bumulagta ang biktima ay nagpulasan ang mga tao kung kaya’t hindi napansin kung saan dumaan ang salarin sa kanilang pagtakas.
Gayunpaman, may nakakita na sumakay ng motorsiklo ang dalawang suspek hanggang sa tuluyang mawala sa dilim.
Bukod sa napatay, isang babae ang minalas na tinamaan ng ligaw na bala sa ulo at kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan.
Naniniwala ang mga imbestigador na matagal ng atraso ang motibo ng naturang krimen.(Rommel Fuertes)