Naarestong 2 carnapper sa GenSan, kinasuhan na

Injured Killed
0 0

Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo

GENERAL SANTOS CITY – Kinasuhan na ang dalawang carnapper na bumaril patay kay Anthony Laroya na taga-Buayan Townsite, sa lungsod.

 

Kasong carnapping at homicide ang isinampa laban sa naturang suspek na sina Arnel Bentayao at si Sayden Gaya na pawang tagaprobinsya ng Maguindanao.

 

Una rito, inamin ng dalawa na sila ay may kaugnayan sa ilang insidente ng pangangarnap ng motorsiklo sa lungsod kung saan kanilang pinatay pa ang driver.

 

Habang ang kaso kaugnay sa pagpatay kay Ernie Casa na nag-sideline lang bilang habal-habal driver ay nakatakdang isasampa sa pamamagitan ng regular filing.

 

Ang misis ni Casa ay galit na galit kay Gaya matapos inamin na kanyang pinatay ang mister nito.