Municipal councilor sugatan nang tamaan ng stray bullet sa rally

Injured Killed
1 0

Date: 13 April 2013
Source: Bombo Radyo

DAGUPAN CITY – Patuloy na nagpapagaling sa ngayon ang isang incumbent municipal councilor matapos itong tamaan ng ligaw na bala sa isang political rally ng kalabang partido sa bayan ng Mangatarem sa lalawigan ng Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Councilor Raymund Cruz, 58, residente ng Brgy Punglo Baleg sa nabanggit na bayan.

Base sa impormasyon, napansin ng biktima ang grupo ng ilang katao na nagmamadaling lisanin ang lugar na mukhang takot kaya’t nagdesisyon na rin itong umalis sa lugar.

Habang pasakay na ito ng kaniyang motorsiklo ay naramdaman nitong tinamaan siya ng ligaw na bala sa kaniyang kanang kamay kaya agad siyang isinugod sa pagamutan.

Sa ngayon ay nasa mabuti na ang kondisyon ng biktima habang patuloy na inaalam ng kapulisan ang motibo ng pamamaril at kung sino ang suspek.