Most wanted sa naga, nakipagbarilan sa pulis.

Injured Killed
1 0

Date: 08 February 2013
Source: Thursday, 07 February 2013 bombo radyo

 

NAGA CITY – Sugatan ang isang wanted sa Camarines Sur matapos manlaban at subukan pang tumakas habang hinuhuli ng mga pulis.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Petaño ng Odicon, bayan ng Pasacao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay S/Insp. Elizor Dy-cok, chief of police ng PNP Pasacao, sinabi nitong huhulihin sana nila ang suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso nang manlaban ito ginamit ang bitbit na improvised gun.

Nagkaroon pa umano ng habulan na ikinatakot na rin ng ilang residente kaya’t pinaputukan niya ng baril si Petaño.

Tama sa kamay partikular na sa daliri nito ang tinamo ng suspek na agad namang dinala sa ospital.

Nahaharap si Petaño sa mga kasong illegal possession of firearms, robbery at sangkot din sa panghoholdap sa lugar na gumagamit ng armas.

Dahilan ito upang maitala siya bilang ikatlo sa mga most wanted sa nasabing bayan.

Naniniwala naman si Dy-cok na may ilang armas pang tinatago ang suspek na kilala ring nagdadala ng gulo sa kanilang lugar.