Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 03 October 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration- Interpol ang isang Chinese national na tinaguriang “most wanted fugitive” sa China matapos itong tumakas sa kinakaharap nitong kasong multi-milyong pyramid investment scam, illegal gambling racket sa kanilang bansa.
Si Zhang Fuhui, 26, nanunuluyan sa unit sa Solex II Bldg., Soler St., Binondo, Maynila ay iprinisinta nina Atty. Jose Carlitos Licas, BI Acting Intelligence Chief at BI Spokesperson Maan Pedro matapos maaresto noong Linggo sa kanyang unit sa bisa ng summary deportation order na inisyu ng BI Board of Commissioners noong Enero 21, 2013 dahil pagiging undesirable alien nito.
Ayon kay Pedro, una nang hiniling ng Chinese Embassy ang pag-aresto at deportasyon kay Zhang kung saan inimpormahan umano ng naturang bansa ang bureau na may warrant of arrest ang suspect na inisyu naman ng police authorities ng Huai An City, Jiangsu Province, China.
Batay sa report na tinanggap ni BI-OIC Commissioner Siegfred Mison, Abril 2012 umano nang masangkot ang suspect sa pyramiding firm na tinawag na “Bao Ma” na nag-a-advertise ng kanyang negosyo at nakapang-engganyo ng kanyang mga kababayan na umabot sa 40,000 biktima sa pamamagitan ng website.
Si Zhang ay ipapadala sa China sa sandaling matapos ng BI ang kaukulang clearance para sa kanyang deportasyon.
Bukod dito, pinagbawalan na ring makapunta ng Pilipinas si Zhang dahil inilagay na ito sa immigration blacklist.
Samantala, maliban kay Zhang ay naaresto rin sina Liu YIng, Huang Zhen Xue at Huang Fei dahil naman sa kawalan ng travel documents na maiprisinta.