Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 05 May 2013
Source: Bombo Radyo
KALIBO, Aklan — Tinatayang aabot sa halos P200,000 ang halaga ng cash na natangay ng tatlong hindi nakikilalang suspek matapos na looban ang isang money changer sa Roxas, Avenue, Kalibo, Aklan.
Base sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng deputy chief of police ng Kalibo PNP na si S/Insp. Reynante Matillano, dalawa ang pumasok sa establisyemento at nagpanggap na customer habang ang isa ay nagsilbing look-out.
Nanutok pa umano ng baril ang isa sa mga suspek kasabay ng pagdeklara ng hold-up bago nilimas ang perang nakalagay sa isang box.
Samantala, nasugatan ang isa sa mga suspek matapos na basagin ang salamin sa cubible ng cashier dahilan na nabuksan ang lock nito.
Sa ngayon ay patuloy ang pagtugis ng mga pulis sa mga suspek na tumakas sakay ng isang motorsiklo.
Naghigpit naman ang pulis sa lahat ng entry at exit points sa bayan ng Kalibo na kong saan mahigpit ang pagbantay na ginawa sa kanilang inilagay na checkpoints.
Naging palaisipan naman sa pulisya kong bakit hindi tumunog ang alarm ng naturang money changer gayundin na hindi na-switch-on ang kanilang CCTV camera.
Naniniwala ang pulisya na planado ang nangyaring robbery-hold-up sa naturang establisyemento.
Tinutukoy din kung anong grupo ang may kagagawan sa krimen.
Napag-alaman na mahigit sa P1-milyon ang koleksyon ng money changer ngunit nasa P200,000 lamang umano ang nakuha ng mga suspek.