Miyembro ng CAA, patay nang barilin habang naka-duty

Injured Killed
0 1

Date: 30 January 2013
Source: Bombo Radyo

ZAMBOANGA CITY – Patay sa isang miyembro ng Civilian Active Auxiliary (CAA) makaraang barilin habang naka-duty sa isang disco party sa may Barangay La Libertad sa bayan Liloy, Zamboanga del Norte.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO-9), abala sa pagbabantay ng seguridad sa disco party ang biktimang si Rodel Ocay Manosa, 27, kaugnay sa pagdiriwang ng fiesta ng nasabing barangay nang bigla na lamang binaril ng isang lalaki gamit ang isang caliber .45 pistol.

Dead on on arrival sa ospital ang biktima dahil sa grabeng tama ng bala na tinamo nito sa kanyang ulo.

Sa tulong ng mga nakakita sa insidente, nakilala ang suspek na si Jovy Reponte Mamac 25, residente ng Barangay Kayok ng nasabing bayan.

Blangko pa ang mga otoridad kung ano ang motibo ng suspek sa pagpaslang sa biktima.(MRDS)