Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 30 January 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Pinawi ngayon ng pulisya ang anggulong pagnanakaw sa isang ginang na pinaslang sa loob mismo ng kaniyang bahay sa Buhi, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay C/Insp. Danilo Bagacina, hepe ng PNP-Buhi, nabatid na kasali sa mga iimbestigahan ngayon sa brutal na pagpaslang kay Socorro Monge ay ang mismong asawa nitong si Felix.
Iginigiit kasi nito na suicide ang sanhi ng kamatayan ng kaniyang asawa.
Bagay na hindi sinang-ayunan ng pulisya lalo pa’t maliban sa sugat sa leeg ay may nakita pang 17 saksak sa katawan ang biktima na dating domestic helper sa Spain.
Imposible rin umanong mapasok ng magnanakaw ang bahay ng mag-asawa dahil kongkreto at mataas ang bakod sa paligid nito.
Nilinaw din ng mga otoridad na tanging pasaporte at mga susi lamang ang nawala sa biktima.
Napag-alamang ang mag-asawa lamang ang magkasama sa bahay dahil nasa abroad din ang dalawa nilang anak at ang isa ay may pamilya na rin.
Patuloy pa ang PNP sa kanilang imbestigasyon sa naturang pangyayari