Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 14 April 2013
Source: Phil Star Pang Masa
MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang mister habang bumabaybay ito sa gilid ng fishpond sa Sitio Lemon, Quiniput, Zamboanga City.
Ang biktima ay kinilalang si Junny Iraham, residente ng Brgy. Dita ng nasabing lungsod.
Sa ulat ng Zamboanga City Police, dakong alas-6:30 ng umaga nitong Biyernes ng madiskubre ang bangkay ng biktima na nakalutang sa fishpond sa naturang lugar.
Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad namang iniahon ang bangkay sa palaisdaan.
Hindi pa nakikilala ang mga salarin na sinasabing agad na tumakas matapos ang krimen.