Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
ILOILO CITY – Patay ang 47-anyos na lalaki sa saksak at taga ng karelasyon ng kanyang misis sa loob ng Iloilo central market kagabi.
Ang biktima ay si Fredelio PeƱaverde ng Brgy. San Isidro, Jaro, Iloilo City na nagtamo ng maraming sugat dahil sa saksak at taga sa leeg.
Ang suspek ay nakilala lamang kay Tonyo na nagtitinda ng baboy sa nasabing merkado.
Ayon sa 12-anyos na anak ng biktima, pumunta sila ng palengke at inutusan siya ng ama na hanapin si Tonyo na karelasyon ng kanyang ina.
Nang hindi nakita ng bata ang lalaki, mismo ang ama na nito ang naghanap sa suspek.
Nagkita ang biktima at suspek at ayon sa bata, nakita na lamang niya ang kanyang ama na nakahandusay na.