Mister, patay matapos saksakin at putulan ng ‘ari’ ni misis; mga anak inatake rin, isa ang patay

Injured Killed
3 2

Date: 08 June 2013
Source: GMA News

Patay ang isang 50-anyos na lalaki sa Negros Occidental matapos saksakin at putulan ng “ari” ng kanyang nagwalang misis. Pinagbalingan din ng ginang ang kanyang mga anak at isa rito ang kanyang napaslang.

Sa impormasyon ibinigay ni Chief Supt Agrimero Cruz, director ng Western Visayas regional police, sinabing naganap ang krimen sa bahay ng pamilya Abalayan sa barangay Bacuyangan, Hinobaan, Negros Occidental.

Dakong 6:30 a.m. umano nitong Sabado nang saksakin ng gunting at putulan ng ari ng 33-anyos na ginang ang kanyang mister. Kasunod nito ay pinagbalingan ng suspek ang kanyang mga anak kabilang ang kambal na isang-taong-gulang.

Nasawi ang isa sa mga kambal, habang isinugod naman sa ospital dahil sa tinamong sugat ang isa pa sa kambal at dalawa pa niyang anak.

Nadakip naman ang ginang na kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ng Hinobaan. — FRJ, GMA News