Mister kinatay ng admirer ni misis

Injured Killed
0 1

Date: 13 February 2013
Source: Juliet de Loza-Cudia abante tonite feb13 2013

 

Pinasok sa loob ng kanyang bahay at doon ilang ulit na pinagsasaksak ng isang binata ang isang mister matapos siyang komprontahin dahil sa madalas umanong mahuling nakatingin sa misis ng biktima, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.


Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center si Alberto Pangilinan, 34, drayber, dahil sa mga tama ng saksak sa itaas na bahagi ng kanyang katawan.


Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilalang si Enreque Ronquillo, 34, kapit-kuwarto ng biktima sa tinutuluyan nitong bahay sa No. 2154 Ampatuan Compound sa Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila.


Napag-alaman sa pag-iimbestiga ni SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), na nangyari ang krimen dakong alas-nuwebe habang naglalaro umano ang biktima sa iPod kasama ang kanyang siyam na anyos na anak.


Bago ang pamamaslang, nabatid na kinom­pronta ng biktima ang suspek dahil sa palagi umano niyang nahuhuli na nakatingin sa kanyang ­misis kapag nasa labas ito ng kanilang bahay.


Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa umalis ang suspek habang pumasok naman ang biktima sa loob ng kanilang bahay at naglaro ng iPod kasama ang kanyang anak.


Sa puntong ito, biglang pumasok ang suspek na armado ng patalim saka sunud-sunod na inunda­yan ng saksak ang biktima at mabilis na tumakas.


Nasa labas umano ng bahay ang asawa ng biktima nang mangyari ang krimen.