Mister itinumba sa tapat ng bahay

Injured Killed
0 1

Date: 20 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang mister nang pagbabarilin ng apat katao habang ang biktima ay nakaupo sa harapan ng bahay nito kamakalawa sa Malabon City.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Raymundo Cerbito, 49, ng Dulong Her­nandez, Brgy. Catmon ng na­turang lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:45 ng hapon ha­ bang nakaupo sa tapat ng kanilang bahay ang biktima nang sumulpot ang mga suspect hanggang sa pina­ulanan ito ng bala.

Nabatid, na isa sa mga suspect ang nagkarga pa ng bala at nagpaputok sa ere sabay sabing “walang ma­kikialam upang walang madamay”, bago nagsitakas. Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.