Mister hinostage ang buong pamilya

Injured Killed
5 0

Date: 30 November 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang mister ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police Station-Police Station 7 matapos na i-hos­tage ang kanyang misis, kasama ang kanyang ama, pa­mangkin at kapatid kahapon ng umaga sa Tondo.

Agad ding napasuko ni  MPD-Station 7 chief, P/Supt. Roderick Mariano  si Rizaldy Garay, ng  #2631 Severino St. Tondo, Maynila matapos na  mapakiusapan.

Isinasailalim naman sa medical examination ang misis nitong si Merlina, amang si Gerry; kapatid na sina Ramil, 30; Raymund Garay­, 28; pamangkin na sina  Rose Jane Parungao, 2; at Renwin Parungao, 5, pawang naninirahan sa  nabanggit na address sa posiblent trauma.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-9:20 ng umaga nang i-hostage ni Rizaldy ang kanyang pamilya sa loob mismo ng kanilang bahay.

Mabilis namang  rumes­ponde ang mga tauhan ni  Mariano na kinabibila­ngan nina  Chief Insp. William Chig-Ao Sugmayao, SPO3 Ramon Torrefiel, SPO2 Calvin Capuno, PO2 Jonathan Murillo at PO1 Josue Ahuday.

Ayon kay Mariano, nag­karoon ng hindi pagkakaunawaan ang  pamilya kung saan masama ang loob ni  Rizaldy sa kanyang ama at misis.