Injured | Killed |
---|---|
0 | 3 |
Date: 06 July 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang misis at ang lalaking hinihinalang kalaguyo nito matapos saksasakin ng mister, habang patay din ang suspek makaraang saksakin din ang sarili matapos ang nagawang krimen sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Zamboanga kay S/Insp. Rico Pondol ang hepe ng Kabasalan municipal police station, sinabi nito na nangyari ang insidente pasado alas-7:00 ng umaga sa Sitio Sequijor, Barangay Palinta sa munisipyo ng Kabasalan.
Nakasakay sa isang motorsiklo ang biktimang si Gladys Nadila Buracho, 26, kasama ang sinasabing kalaguyo nito na si Ricky Suan.
Napag-alaman ng pulisya mula sa driver ng motorsiklo na si Romel Medrano na hinarang sila ng mister ng babae na kinilalang si Reneboy Nadila Dacunes at sandaling nag-usap ang mag-asawa nang biglang pinagsasaksak ng suspek ang kanyang dalawang pasahero.
Nakatakbo pa ang lalaki kaya hinabol ng suspek at nang maabutan ay pinagsasakasak ito hanggang mapatay.
Nang balikan umano ng suspek ang kanynag misis at nakitang patay na ito ay dito na rin nito sinaksak ang kanyang sarili na nagresulta rin sa kanyang pagkamatay.
Nabatid na nagtatrabaho sa Zamboanga City ang namatay na misis habang ang kanyang suspek na mister ay pagsasaka ang ikinabubuhay sa lugar.
Lubos naman ngayon ang kalungkutang nadarama ng tatlong naiwang anak ng mag-asawa sa sinapit ng kanilang mga magulang.
Inaasahang dadalhin ang mga labi ng mag-asawa sa tahanan ng mga magulang ng babae. (MRDS)