Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
DAGUPAN CITY – Away mag-asawa ang nakikitang motibo sa pagpatay mister sa sarili nitong misis sa lungsod ng Dagupan.
Nakilala ang biktima na si Jenny Fong, 33, residente ng Rivera St., Dagupan City.
Habang ang suspek ay nakilalang si Gerald Fong.
Ayon sa impormasyon ng pulisya, pinagbabaril ng suspek ang biktima gamit ang isang kalibre .45 na baril .
Sa ngayon ay pinaghahanap ng pulisya ang suspek na agad tumakas matapos ang insidente.