Misis patay sa saksak ni mister dahil sa selos

Injured Killed
0 1

Date: 05 March 2013
Source: Bombo Radyo

LEGAZPI CITY – Patay na nang dumating sa hospital ang isang misis matapos na pagsasaksakin ng kanyang sariling mister sa may Barangay Bigaa syudad ng Legazpi.

Sa impormasyon na ipinaabot sa Bombo Radyo Legazpi, kahapon ng umaga nang respondehan ng mga kapitbahay ang tahanan ng mag-asawang nag-aaway dahil umano sa selos.

Nagawa pang dalhin sa ospital ang biktima na kinilalang si Salvacion Agarin, 50, ngunit idineklara itong dead-on-arrival ng doctor.

Ito’y matapos na magtamo ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging dahilan para bawian ito ng buhay.

Samantala agad namang sumuko ang suspek na si Antonio Agarin at kasalukuyang nasa kustodiya ng Legazpi City Police Station.

Nakatakda namang sampahan ng kasong murder ang suspek.