Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 30 November 2013
Source: Bombo Radyo
LA UNION – Dead on arrival sa Bacnotan district hospital ang isang misis habang ligtas naman ang mister nito matapos tambangan sa barangay road sa Barangay Pangdan, Bacnotan, La Union.
Nakilala ang namatay na si Josephine Calica Nicodine, 51, habang nakaligtas naman ang live-in partner nito na si Romy Pitrona, kapwa residente ng naturang lugar.
Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo La Union kay Pitrona, live-in partner ng biktima, pauwi na sana sila sa kanilang bahay mula sa palengke sa nasabing bayan sakay ng kanilang sasakyan nang barilin sila ng hindi nakilalang riding in tandem.
Nakita na lamang nito na natumba ang kanyang asawa na nakaupo sa likod ng van at hindi rin umano nito nakita ang mga salarin na agad tumakas palayo sa lugar.
Naniniwala si Pitrona na inabangan umano sila ng mga suspek sa nasabing lugar dahil hindi niya namalayan na may sumusunod sa kanila ng mangyari ang pamamaril.
Lumalabas sa iniyal na imbestigasyon ng mga otoridad na anim na tama ng bala ang tinamo ng biktima na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang pitong cartridge ng .45 na baril, tatlong bala at ilang mettalic foil at inaasahang isasailalim ito ng ballistic examination.
Napag-alaman na ang mag-asawa ay isang negosyante ng bigas sa nasabing bayan ngunit wala naman silang nakakaaway.
Sa ngayon, patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
–