Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
DAGUPAN CITY – Labas ang utak at tadtad sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang sinapit ng isang misis matapos pagsasaksakin ng sariling mister sa bayan ng Binmaley sa lalawigan ng Pangasinan.
Nakilala ang biktima na Edna Cabrera, 34, residente ng Brgy Baybay Lopez sa nabanggit na bayan habang ang suspek ay ang asawa nito na si Edgardo Cabrera.
Ayon sa impormasyon, natuklasan umano ng biktima na may kalaguyo ang kaniyang mister na nauwi sa pagtatalo ng dalawa.
Hanggang sa pinagsasaksak ng suspek ang sariling asawa sa kaniyang katawan.
Hindi pa umano nakontento ang suspek dahil maging ang tiyan ng biktima ay pinagsasaksak nito ng apat na beses gamit ang isang matulis na maliit na bolo.
Ang naturang biktima ay idineklarang dead on the spot habang ang suspek ay agad namang sumuko sa kapulisan matapos ang insidente.