Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
KIDAPAWAN CITY – Daan-daang mga sibilyan ang nagsilikas na naman sa muling pagsiklab ng sagupaan ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) dakong alas-9:45 kagabi sa lalawigan ng North Cotabato.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Public Affairs chief Col. Dickson Hermoso, inatake ng BIFF ang posisyon ng 7th Infantry Battalion Philippine Army sa Sitio Mapagkaya, Brgy Paidu Pulangi, Pikit, North Cotabato.
Tumagal ng kalahating oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig.
Umatras naman ang mga rebelde nang pasabugan sila ng militar gamit ang 81mm mortar at 90rr bazooka.
Walang naiulat na nasugatan o nasawi sa mga sundalo habang hindi pa matiyak sa panig ng BIFF.
Sa kasalukuyan ay nagdagdag pa ng puwersa ng militar sa mga bayan ng North Cotabato na posibleng target ding salakayin ng BIFF.
Ang pangyayari ay kasunod ng engkwentro sa Midsayaf kung saan ilang sibilyan ang naipit at hinostage. (Bombo Garry Fuerzas)