Mga suspek na nangholdap sa abogado, nagtapon muna ng pera bago nakalayo

Injured Killed
1 0

Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo

GENERAL SANTOS CITY – Nananatili pa rin sa ospital ang isang abogado matapos hinoldap kahapon sa Brgy Apopong sa lungsod ng GenSan.

Si Atty. Remegio Armada na taga-Surallah, South Cotabato ang may-ari ng agri business ay hinoldap kasama ang kanyang secretary ng tatlong katao na sakay ng motorsiklo.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan kay SP02 Rex Diongon ng Makar PNP, inihayag nito na sa kanilang imbestigasyon lumalabas na sinundan umano ang biktima matapos mag-withdraw ng pera sa bangko.

Nangyari ang krimen sa isang gasolinahan sa Apopong nang makakita ng tsansa.

Ibinigay na lamang ni Atty. Armada ang kanyang pera at cellphone pero binaril pa rin ng mga suspek kaya natamaan siya sa paa at kamay.

Ayon pa kay Diongon, bago umalis ang mga suspek may itinapon na pera ang mga suspek kaya nag-agawan ang mga tao sa lugar hanggang sa nawala ang atensyon sa patakas na mga suspek.

Umaabot sa P60,000 ang nakuha ng mga suspek mula sa biktima.