Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Swerteng walang nasugatan sa panig ng mga otoridad matapos na paulanan ng bala ng mga hinihinalang illegal loggers sa may bahagi ng Sitio Sugod, Brgy Supang, Caramoran, Catanduanes.
Lumalabas sa impormasyon na pasado alas-2:00 ng madaling araw nang suyurin ng mga miyembro ng Caramoran Police Station ang nasabing lugar dahil na rin sa sumbong na ginagawang illegal logging.
Dito na nahuli sa akto ang paglalagay sa bangka ng mga kahoy ng hindi pa nakilalang mga suspek.
Nang tiyempong lalapit na ang mga otoridad ay biglang nagtakbuhan ang mga suspect sa mga bakawan saka pinaulanan ng bala ang mga pulis.
Maswerte namang nakailag ang mga pulis, subalit nakatakas pa rin ang mga suspek patungo sa Isla ng Palumbanas.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga kahoy na nakuha sa bangka.
Patuloy pa rin namang iniimbestigahan ang posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.