Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
KORONADAL CITY – Tinawag ni Department of Education (DepEd) Sec. Armin Luistro ang mga guro na pinalaya ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na umatake sa Midsayap, North Cotabato bilang “magnificent 13” dahil sa ipinakitang tapang ng mga ito.
Ito ay makaraang binisita ni Luistro ang ilang mga paaralan sa North Cotabato at Cotabato City kabilang na ang Canizarez National High School kung saan kinumusta nito ang mga guro at estudyante.
Ayon kay Luistro, dalawa sa 13 mga guro ay mga mananampalatayang Muslim na pinalaya na sana ng BIFF pero tumanggi at mas pinili pa rin ng mga itong makasama ang kanilang mga kasamahang guro.
Aniya, nagpapatunay lamang ito na handang magkaisa ang mga mananampalatayang Muslim at Kristiyano para sa kapayapaan