Menor de edad binaril sa tabi ng utol

Injured Killed
0 1

Date: 26 March 2013
Source: http://www.remate.ph/2013/03/menor-de-edad-binaril-sa-tabi-ng-utol/

 

PATAY ang isang 17 anyos na scavenger matapos barilin sa tabing kaniyang kapatid habang masayang nagkukuwentuhan kaninang madaling araw sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa  Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si John Erick Javier, ng Bldg 32 Unit 35  Aroma Temporary Housng Unit, Tondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Itinuturo namang suspek ang isang alias “Michael” tinatayang may edad sa pagitan ng 30-35, may taas na 5’3 hangang 5”4, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay itim na jacket at itim na pantalon na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 1:30 ng madaling araw nang naganap ang pamamaril sa harapan ng Bldg. 12 , Road 10, Vitas Tondo, Maynila.

Nabatid na masayang nagkukuwetuhan ang biktima, at nakababatang kapatid na si John Eric, 16, isa ring scavenger,  at iba pang kaibigan nang nakihalo ang suspek sa grupo at paglapit sa biktima ay naglabas ng di nabatid na kalibre ng baril at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang suspek sa isang makipot na iskinita patungo a Brgy 106 Zone 8 matapos  makitang duguang bumagsak  ang biktima.

Hinala ng pulisya na may kaugnayan sa kanilang trabaho bilang mangangalkal ng basura ang motibo sa pagpatay bagama’t nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa iba pang motibo sa pagpatay.