Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 21 June 2013
Source: Bombo Radyo
ILOILO CITY – Sugatan ang isang menor de edad na lalaki matapos masaksak habang nasa loob ng motel kasama ang isang homosexual.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa 17-anyos na si alyas Nonoy ng San Juan, Molo, Iloilo City, nakipagtransaksyon umano sa kanya ang isang bading na kinilalang si alyas John na nakilala lamang nito sa isang mall para sa isang pansamantalang aliw kapalit ng P500.
Ngunit P100 lamang umano ang ibinigay sa kanya ng homosexual dahil wala naman umanong namagitan sa kanila na sexual activity.
Ito ang dahilan ayon sa biktima kung bakit sinaksak siya ng bading.
Ngunit ayon naman sa bading, siya ang pinagtangkaang saksakin ng biktima at inagaw lamang nito ang kutsilyo kaya siya gumanti.