Injured | Killed |
---|---|
1 | 1 |
Date: 15 April 2013
Source: Bombo Radyo
(Update) CEBU CITY – Nakikipag-ugnayan na ang Cebu City Police Office kay Pio Corpuz Masbate Mayor Herminigildo Betonio III kaugnay sa pagkamatay ng kanyang ka-live in partner na si Crisanta Lauro.
Habang patuloy naman na ginagamot ng mga doktor sa Chunghua hospital ang kapatid nito na si Leni Betonio-Ezer, 35, isa ring municipal councilor ng Pio Corpuz na nagtamo ng sugat sa kaliwang kamay matapos ang pananambang.
Una rito, inambus ang dalawa habang nakasakay sa isang taxi sa Pier 3, Barangay Tinago, sa siyudad ng Cebu kaninang alas-5:00 ng umaga.
Napag-alaman ng Bombo Radyo Cebu na limang buwang buntis ang nasabing ginang at tinamaan ito sa kanyang ulo.
Sinasabing habang nakatigil ang taxi na kanilang sinakyan, bigla na lang itong pinaulanan ng bala ng mga salarin na sakay ng motorsiklo.
Sa inisyal na imbestigasyon may hinala ang pulisya na isyu sa politika ang dahilan ng insidente.
Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek.