Mayoralty daughter ni ex-VP Guingona, muling binantaan ng mga NPA

Injured Killed
0 0

Date: 28 April 2013
Source: Bombo Radyo

CAGAYAN DE ORO CITY – Muli ngayong nakatanggap na banta sa buhay ang pamilyang Guingona sa lungsod ng Gingoog, Misamis Oriental.

Ito ay sa kabila na bago lamang ang nangyaring pananambang sa convoy ni Gingoog City Mayor Ruthie de Lara Guingona ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na ikinasugat nito at ikanasawi ng kanyang magkapatid na personal drivers na si Bartolome Velasco at Nestor Velasco noong nakaraang linggo.

Sa paid program ng partido Liberal sa Bombo Radyo Cagayan de Oro, inihayag ni Vice Governor Norris Babiera na ilan umanong sulat mula sa mga rebelde ang natanggap ng anak ni Guingona na si Marie na siyang tumakbo bilang alkalde sa Gingoog City.

Nakasaad umano sa nasabing sulat na mahaharap sa kaukulang aksyon ng mga rebelde ang mga Guingona hanggang hindi sila susunod sa election policies habang mangangampanya sa hinterland barangays ng lungsod.

Kaugnay nito, muling ipinag-utos ng provincial government sa pulisya at militar na maging alerto laban sa mga isasagawang pang-aatake ng mga rebelde.

Maliban umano dito,namamataan din ang sinasabing armadong kalalakihan sa syudad ng El Salvador at bayan ng Gitagum na nagsagawa ng mga pangangatok sa pintuan ng mga kabahayan ng mga botante dahilan upang sila ay matakot.

Muling tinayak pamahalaang probinsyal na mananagot ang umatake sa mga Guingona.

Una nang sinibak na puwesto si 4th ID commanding Maj Gen Nestor Anonuevo dahil umano sa pananambang sa convoy ni Guingona.

Napag-alaman na isinailalim na ng Commission on Elections (Comelec) sa area of immediate concern ang Gingoog City dahil sa nangyari kay Guingona.