Mayoralty bet inakusahan ang kalaban nang tangkang pagpatay sa kanya

Injured Killed
1 0

Date: 16 May 2013
Source: Bombo Radyo

DAGUPAN CITY – Inakusahan ng mayoralty candidate sa bayan ng San Manuel, lalawigan ng Pangasinan ang kalabang kandidato sa tangkang pagpatay sa kanya noong Abril 11 matapos siyang paputukan ng dalawang beses habang siya ay nangangampanya sa Barangay San Juan kasama ang kanyang pamilya at tagasuporta.

 

Inamin sa Bombo Radyo Dagupan ni mayoralty candidate Eddie Lopez na walang ibang may kagagawan sa tangkang pagpatay sa kanya kundi ang kalaban sa politika na pamilya Perez.

 

Matagal na umano itong nakakatanggap ng mga pagbabanta sa kanyang buhay kung saan nais siyang umatras sa pagtakbo.

 

Ito na rin umano ang ikalawang beses na pagtangka sa kanyang buhay na ang una ay nangyari noong buwan ng Agosto kung saan tinamaan ang kanyang anak na isang barangay kagawad. Sa ngayon daw ay hindi na ito nangangampanya dahil sa takot na muling pagtangkaan ang kanyang buhay.

 

Matatandaan na noong araw din iyon napaulat ang pagkakapatay sa bodyguard ng bise alkalde na pinabulaanan ni Lopez na may kinalaman ang kanilang kampo.

 

Napag-alaman naman agad nasibak sa pwesto ang hepe ng pulisya sa San Manuel matapos ang naturang pangyayari.