Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 28 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
COTABATO CITY, Philippines – Binulabog ng malakas na pagsabog ang lungsod ng Cotabato makaraang sumambulat ang granada sa gilid ng Marine detachment alas- 8:20 kagabi.
Sa report ni Lt. Col. Alexander Balutan, pinuno ng 1st Brigade Marine Commander wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa pagsabog.
Gayunman, nagdulot umano ito ng takot at pangamba sa mga residente sa lugar.
Inihayag ni Balutan, partikular na nangyari ang pagpasabog ng granada sa lumang city hall ng lungsod kung saan nakapuwesto ang detachment.
Dagdag pa ng opisyal na posibleng may galit umano sa law enforcement agency ang mga suspek na responsable sa insidente habang wala pang matukoy na grupo ang mga otoridad.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang pursuit operation at paghigpit sa seguridad sa Cotabato City at mga karatig na lugar.