Manhunt vs BIFF sa North Cotabato, pinaigting- AFP

Injured Killed
0 17

Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo

KORONADAL CITY – Pinag-ibayo  pa ang manhunt operation ng militar laban sa mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers (BIFF) sa lalawigan ng North Cotabato habang patapos na ang isinagawang clearing operation ng mga ito sa bayan ng Midsayap.

 
Inihayag sa Bombo Radyo Koronadal ni Col. Dickson Hermoso, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, Philippine Army na umabot sa 17 ang binawian ng buhay sa nasabing engkwentro.
 
Sa nasabing bilang, 12 ang mula sa BIFF, tatlo ang sundalo at dalawa ang sibilyan.
 
Ang mga namatay na sundalo ang kinilalang sina Pfc Robert C. Baling ng 40IB, Pfc Adones Allejo ng 7IB at Pfc Renon R. Ballares ng 7IB.
 
Ang dalawang sibilyan naman na namatay ay sina Ricardio Dionio, na pinugutan ng ulo na narekober sa Barangay Dimapulot at Erwin Badao Viloan na natamaan ng bala sa ulo at natagpuan sa Barangay Babonao.
 
Samantala, ligtas na ngayon ang dalawang sundalong nasugatan sa nangyaring engkwentro.
 
Kinumpirma rin ni Col. Hermoso na ligtas na at kasama na ng kani-kanilang mga pamilya ang siyam na mga guro na hinostage ng BIFF matapos na makatakas kahapon.
 
Kinilala ang mga ito na sina Lily Pastrado, Anna Marie Corpuz, Josephine Galvez, Dioden Camiros, Geraldine Yunting, Tuday Jairal, Hydie Marcelo, Paerosa Mohaeden at Gemma Rallon.
 
Sa ngayon hindi pa pinababalik ang mga evacuees sa lugar dahil nagpapatuloy pa ang clearing operation.